Monday, January 7, 2008

Sino Ba Kami???

Well, kami lang naman ang mga natatanging estudyante ng Mataas na Paaralang Pedro E. Diaz na naglalayong maisulong at lalong mapaunlad ang bansang PILIPINAS sa pamamagitan ng pagiging mainam na halimbawa sa aming mga kapwa estudyante. Sa tulong ng aming butihing guro nalaman namin ang kahalagahan na ginagampanan ng bawat isa sa atin sa ating lipunan na ginagalawan. Kung paanong ang bawat isa sa atin ay nagpapakilos at nagpapagalaw ng sirkulasyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggawa, pagbili at pagkonsumo sa lahat ng serbisyo at produktong makikita sa ating paligid. Kung inaakala ng ilan riyan na ang EKONOMIKS ay isang nakakabagot na leksyon sa paaralan, kami na ang nagsasabi nito NAGKAKAMALI kayo!!!! Isa itong aralin na kung saan lahat tayo ay nakikinabang sa mabuti at masamang epekto nito dahil ang ekonomiks ay hindi kikuilos kung wala tayo. Tayo ang nagpapagalaw nito. Maraming salamat sa inyong pagdalaw sa aming BLOG at nawa patnubayan kayo ng PANGINOON.

No comments: