Sunday, January 20, 2008

Kabanata 4 5 &6

Kakapusan-limitadong pinagkukunang-yaman.
-permanente
Kakulangan-panandaliang kaganapan sa ekonomiya.
-natural shortage (sakuna at kalamidad)
Kagustuhan-tumutukoy sa pagnanais na matamo at magamit ang iba’t ibang bagay na makakapagpasaya sa kanya.
Pangangailangan- pagtugon sa mga bagay na mahalaga at kailangan upang mabuhay nang inosente. Ang mga pangangailangan o basic needs ay pagkain, damit at tirahan.

Baitang ng Pangangailangan ayon kay Abraham Harold Maslow

pagkatao
Atensyon
makisalamuha,makisapi,
magmahal.
pangkaligtasan
pisyolohikal














Isang pagsusulit sa inyong kaalaman gamit ang pangaraw-araw na buhay.
Sundan ang isang araw na buhay ni Rowen at alamin kung ano anong problema ang kinaharap niya, ito ba’y kakulangan, kagustuhan at iba pa.

Isang madilim na simula ng araw ang natunghayan ni Rowen sa kanyang paggising. Agad siyang lumabas ng bahay upang mag-gala sa FESTIVAL MALL. Bago pa man makarating si Rowen sa festival ay nakaharap na siya ng isang problema. Kulang ang barya niya upang ibayad sa tricycle. Ang driver naman ay wala ding barya kaya’t nagpapalit siya sa isang Manong na nagbebenta ng KALAMARES. Pinalitan ito ng Manong at salamat makakagala na si Rowen sa Festival. Sandali, natakam si Rowen sa kalamares na tinda ni Manong, bumili siya nito. Habang naglalakad si Rowen papuntang Festival ay nakakita siya ng namimigay ng mga papel. Binigyan siya nito, nakalagay sa papel na ito ang mga paraan sa pagbili ng bahay. Napa-isip tuloy si Rowen na bumili ng bahay sapagkat siya’y nangungupahan lamang at walang permanenteng tirahan. Naisip niya naman na bakit siya bibili ng bahay kung wala naman siyang pambili nito. Nagpatuloy sa paglalakad si Rowen at nakakita naman siya ng nagbebenta ng DREW, nagtaka siya kung bakit 6php na ang drew samantalang 5php lang ito noong nakaraang buwan. Bumili pa rin siya nito sapagkat siya’y uhaw na uhaw na. Malapit na sana siya sa Festival pero nakita niya pa ang isang stall ng ANGEL’S BURGER, kaya naman agad siyang bumili. Salamat naman at nasa bridge na sya ng Festival. Habang nasa bridge ay tinitingnan niya ang mga isda sa ilalim ng tubig. Napakarami nila at halos magkabungguan na tuwing lumalangoy. Sabado ang araw na iyon kaya’t napakaraming tao sa Festival. Nasa loob na ng Festival itong si Rowen at halos lahat ng nakikita niyang personal na gamit ng mga tao ay gusto niya. Isa na dito ang damit na may nakalagay na STUDENTS ADVISORY WALANG PASOK. Mga cellphone ng mga tao na may kamera ay kinaiinggitan niya rin dahil halos lahat sila ay nagpapa-develop sa TRONIX. Samantalang ang cellphone niya lang ay 5110 na may antenna pa. Sa paggagala ni Rowen ay nakaramdam siya ng gutom at kumain sa JOLLIBEE. Pagkatapos niyang kumain sa Jollibee ay agad siyang pumunta sa X-CITE. Napakaraming tao kaya’t umakyat na lang siya sa taas papuntang EXPO. Napapagod na sa paglalakad si Rowen kaya’t naghanap siya ng mauupuan. Malas niya nga lang dahil kulang ang upuan sa may Expo kaya’t umupo na lang siya doon sa may stage. Habang nakaupo ay naisip niya na bakit hindi na lang siya pumunta ng SUNKEN GARDEN upang gawin ang kanyang takdang aralin patungkol sa likas na yaman. Agad siyang lumabas ng festival at sumakay ng Katarungan na jeep. Salamat naman at nasa Sunken Garden na siya matapos ang napakatagal na traffic. Umupo siya malapit sa isang puno at sa pagtingin niya sa mga puno’t damo dito ay naisip niyang sa dami ng pangangailangan ng tao ay limitado pala ang pinagkukunang yaman upang makuha ang mga pangangailangang ito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit ginagastos niya pa ang mga pera niya sa mga walang katuturang bagay at halos mga gusto niya lang. Kaya’t pinangako niya sa sarili niya na simula ngayon ay hindi na siya bibili ng hindi gaanong mahahalagang bagay. Tumayo na siya upang umuwi. Sa kanyang pag-uwi, papasakay na sana siya ng jeep ngunit hinarang siya ng tatlong kalalakihan at ang isa ay may hawak na kutsilyo. Mga HOLDAPER pala sila at tinutukan ng kutsilyo si Rowen at sabay sabing “holdap ‘to! Akin na pera’t cellphone mo!”. “Wala na po akong pera” sagot ni Rowen. Binigay niya ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ibinibigay ang kanyang mga pera. Pinilit ng pinilit ng mga holdaper si Rowen at nang wala maibigay si Rowen ay sinaksak siya malapit sa puso. Dinala sya sa hospital ng mga nakakita sa kanya. Kulang sa doktor at mga first aid ang pinagdalahan sa kanya kaya’t siya’y namatay.

4 comments:

ekonamiks4-bokia@blogspot.com said...

wow!!!ang galing-galing ng pagkakagawa nyo ng blog na toh,ang galing tlaga ng sec.1 of course ang BOKIA GROUP,san nyo nmn nakuha ang pangalan ng group nyo,ang kulit kc,bilib na tlaga akoh sa inyo...hmm...entertaining din especially ung tungkol kay rowen...haha,maganda ang story at nakakatawa pa...haha^_^,tlagang may mkukuhang aral...cge gud luck sa inyo...

prinseza rakizta IV-9.

ekonamiks4-bokia@blogspot.com said...

sa totoo lang i find this blog quite entertaining kzeh cute ng story eh. haha!!! di ko pansin nung una na sa araw raw na ginagawa ko eh my effect pala sya sa ekonomiks. Ang galing nyo b okia hindi kayo maBOBOKIA nyan.

Unknown said...

ang ganda2x ng blog ninyo.. kea lamang konteng paeklabu pah.. ur da biggest, largest, topmost number 1 ol over da philippines... within the pages of Philippines history.....!!!!!!!!!!!!!yeah!!!!!!!!!!!!!!!great job!!!!!!!!!! have a good day!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

mackiyo said...

ate,,, tnong ko lng po ano po b ang nagaganap sa pamilihang pambansa???