Sunday, January 20, 2008


mga salik na nakapagpababago ng suplay


1.Pagbabago sa Presyo ng salik ng produksyon

-Kapag tumataas ang sahod ng mga manggagawa, tumataas din ang interes sa mga puhunan at tumataas din ang upa. Mataas ang kabuuang gastos sa produksyon.

2.Pagbabago ng Presyo ng ibang produkto

-Maaaring maimpluwensyahan ng presyo ng ibang produkto ang dami ng suplay. Nangyayari ito kung magkakaugnay ang mga produkto.

3.Espekulasyon sa bilihan

-Bumibili ang mamimili sa kasalukuyan upang maiwasan ang pagtaas ng presyo sa hinaharap.

4.Pagbabago sa teknolohiya

- Magpapababa ang isang makabagong teknolohiya ng gastos sa produksyon na hahantong sa pagtaas ng suplay.


kabanata ll

rebolusyong industriya ang radikal na pagbabago sa paraan ng produksyon bunga ng pagkakatuklas ng makina at pagtatayo ng mga pabrika. BARTEL ang sistemang hindi kinakailangan ng pera,ito ang sistema ng palitan ng isang produkto sa iba pang produkto. GALYON ito ang pagpapalitan ng kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco,Mexico sistemang encomienda layunin nito na mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan sa pagmamalabis at ilapit sila sa pananampalatayang krisyano. mickey mause money nawalan ng halaga ang ipinalabas na salaping papel ng pamahalaang hapones. batas bell pangunahing probisyon ng malayang kalakalan sa pagitan ng United states at Pilipinas sa loob ng 28 years. merkantilismo ito ay isang doktrina ng pang-ekonomiyang umiral sa Europe noong ika-16 at ika-17
Kabanata 4 5 &6

Kakapusan-limitadong pinagkukunang-yaman.
-permanente
Kakulangan-panandaliang kaganapan sa ekonomiya.
-natural shortage (sakuna at kalamidad)
Kagustuhan-tumutukoy sa pagnanais na matamo at magamit ang iba’t ibang bagay na makakapagpasaya sa kanya.
Pangangailangan- pagtugon sa mga bagay na mahalaga at kailangan upang mabuhay nang inosente. Ang mga pangangailangan o basic needs ay pagkain, damit at tirahan.

Baitang ng Pangangailangan ayon kay Abraham Harold Maslow

pagkatao
Atensyon
makisalamuha,makisapi,
magmahal.
pangkaligtasan
pisyolohikal














Isang pagsusulit sa inyong kaalaman gamit ang pangaraw-araw na buhay.
Sundan ang isang araw na buhay ni Rowen at alamin kung ano anong problema ang kinaharap niya, ito ba’y kakulangan, kagustuhan at iba pa.

Isang madilim na simula ng araw ang natunghayan ni Rowen sa kanyang paggising. Agad siyang lumabas ng bahay upang mag-gala sa FESTIVAL MALL. Bago pa man makarating si Rowen sa festival ay nakaharap na siya ng isang problema. Kulang ang barya niya upang ibayad sa tricycle. Ang driver naman ay wala ding barya kaya’t nagpapalit siya sa isang Manong na nagbebenta ng KALAMARES. Pinalitan ito ng Manong at salamat makakagala na si Rowen sa Festival. Sandali, natakam si Rowen sa kalamares na tinda ni Manong, bumili siya nito. Habang naglalakad si Rowen papuntang Festival ay nakakita siya ng namimigay ng mga papel. Binigyan siya nito, nakalagay sa papel na ito ang mga paraan sa pagbili ng bahay. Napa-isip tuloy si Rowen na bumili ng bahay sapagkat siya’y nangungupahan lamang at walang permanenteng tirahan. Naisip niya naman na bakit siya bibili ng bahay kung wala naman siyang pambili nito. Nagpatuloy sa paglalakad si Rowen at nakakita naman siya ng nagbebenta ng DREW, nagtaka siya kung bakit 6php na ang drew samantalang 5php lang ito noong nakaraang buwan. Bumili pa rin siya nito sapagkat siya’y uhaw na uhaw na. Malapit na sana siya sa Festival pero nakita niya pa ang isang stall ng ANGEL’S BURGER, kaya naman agad siyang bumili. Salamat naman at nasa bridge na sya ng Festival. Habang nasa bridge ay tinitingnan niya ang mga isda sa ilalim ng tubig. Napakarami nila at halos magkabungguan na tuwing lumalangoy. Sabado ang araw na iyon kaya’t napakaraming tao sa Festival. Nasa loob na ng Festival itong si Rowen at halos lahat ng nakikita niyang personal na gamit ng mga tao ay gusto niya. Isa na dito ang damit na may nakalagay na STUDENTS ADVISORY WALANG PASOK. Mga cellphone ng mga tao na may kamera ay kinaiinggitan niya rin dahil halos lahat sila ay nagpapa-develop sa TRONIX. Samantalang ang cellphone niya lang ay 5110 na may antenna pa. Sa paggagala ni Rowen ay nakaramdam siya ng gutom at kumain sa JOLLIBEE. Pagkatapos niyang kumain sa Jollibee ay agad siyang pumunta sa X-CITE. Napakaraming tao kaya’t umakyat na lang siya sa taas papuntang EXPO. Napapagod na sa paglalakad si Rowen kaya’t naghanap siya ng mauupuan. Malas niya nga lang dahil kulang ang upuan sa may Expo kaya’t umupo na lang siya doon sa may stage. Habang nakaupo ay naisip niya na bakit hindi na lang siya pumunta ng SUNKEN GARDEN upang gawin ang kanyang takdang aralin patungkol sa likas na yaman. Agad siyang lumabas ng festival at sumakay ng Katarungan na jeep. Salamat naman at nasa Sunken Garden na siya matapos ang napakatagal na traffic. Umupo siya malapit sa isang puno at sa pagtingin niya sa mga puno’t damo dito ay naisip niyang sa dami ng pangangailangan ng tao ay limitado pala ang pinagkukunang yaman upang makuha ang mga pangangailangang ito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit ginagastos niya pa ang mga pera niya sa mga walang katuturang bagay at halos mga gusto niya lang. Kaya’t pinangako niya sa sarili niya na simula ngayon ay hindi na siya bibili ng hindi gaanong mahahalagang bagay. Tumayo na siya upang umuwi. Sa kanyang pag-uwi, papasakay na sana siya ng jeep ngunit hinarang siya ng tatlong kalalakihan at ang isa ay may hawak na kutsilyo. Mga HOLDAPER pala sila at tinutukan ng kutsilyo si Rowen at sabay sabing “holdap ‘to! Akin na pera’t cellphone mo!”. “Wala na po akong pera” sagot ni Rowen. Binigay niya ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ibinibigay ang kanyang mga pera. Pinilit ng pinilit ng mga holdaper si Rowen at nang wala maibigay si Rowen ay sinaksak siya malapit sa puso. Dinala sya sa hospital ng mga nakakita sa kanya. Kulang sa doktor at mga first aid ang pinagdalahan sa kanya kaya’t siya’y namatay.

Papel ng Pamahalaan sa Pagtatakda ng Presyo

  • Ang pamahalaan ang pumipigil sa mga negosyante na umabuso sa pagtatakda ng presyo ng kanilang prosdukto.
  • ang pamahalaan ang nagtatakda ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan
  • humahadlang sa pagkakaroon ng monopolyo at profiteering sa panahon ng emergency
  • pinatutupad ng pamahalaan ang pagpapatag ng presyo dahil na rin sa pabago-bagong lagay ng ekomiya ang tawag dito ay price stabilization policy.

Anti-profitering Law-sa batas na ito pinapahintyulutan ang pamahalaan na magtakda ng maximum price sa mga produktong tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.

Mga Paraan ng Pagpapatag ng Presyo

  • direktang pagbibili ng produkto mula sa s mga prodyuser nit
  • pagtataka ng presyo sa mga bilihin

Price Control-paraan na ginagamit ng pamahalaan upang makontrol ang pagtaas ng presyo sa mga produktong tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao

Price Ceiling- sistema kung saan itinatakda ng pamahalaan ang maaring maging pinakamatas na presyo ng isang bilihin o produkto.

Kakapusan ng Suplay-ito ang pagkakaton kung saan iniiwan ng mga mangangalakal ang kanilang mga n egosyo dahil sa takot na malugi sa negosyong pinasukan

Hoarding -pagtatago sa mga produkto upang tums ang prsyo nito dahil sa kakapusan at ilalabas kung saan mataas na presyo ang nito

Panic Buying-sitwasyon kung saan ang mga tao ay bumibili ng higit sa kanilang pangangailangan dahil sa takot na maubusan o maabutanng pagtaas ng presyo ng produkto.

Wednesday, January 9, 2008

Iba't-ibang Anyo ng Pamilihan


Kompetisyon

  • maraming produkto prodyuser ang isang produkto at nagpapaligsahan sila upang makaakit ng mamimili.
  • ang kompetisyon ay ayon sa kalidad ng produkto,estilo,materyal na ginamit, mga libreng serbisyongibinibigay tulad ng libreng pagkukumpuni,paghahatid at pagkabit o maari din naman sa presyo ng produkto.

Ganap na Kompetisyon

  • maraming mamiili at nagbibili.
  • maramig produkto ang magkakapareho.
  • walang paggalaw ng salik ng produksyon.
  • sapat na kaalaman sa kalayaan ng pamilihan.

Di-Ganap na Kompetisyon

  • kakaunti o mabibilang lamang ag nagbibili at mamimili.
  • may kokontrol sa presyo kaya mayroong hadlag sa mga negosyante na makapasok sa negosyo.

Monopolyo

  • walang kompetisyon.
  • nag-iisa ang nagbibili ng produkto at ang mga ito ay walang kauri dahilan upang madaling mabenta.

Monopsonyo

  • iisa lamang ang mamimili samantalang marami ang nagsusuplay.
  • maaarig pababain ang prsyo ng produkto o serbisyong nais bilhin.
  • naitatakda ang prsyo upang makapagbigay ng serbisyong panlipunan.
  • halimbawa nito ang pamahalaan na binibili ang serbisyo ng mga guro,pulis,sundalo at iba pa.

Monopolistikong Kompetisyon

  • pinagsamang monopolyo at ganap na kompetisyon.
  • marami ang nagbibili at namimili ng magkakaparehong produkto.
  • ang mga produktong ito ay kilala sa kanilang mga brand name tulad ng mga toothpaste,sabon,shampoo,cellphoe,kape at iba pa.

Oligopolyo

  • limitado ang kompetisyon at kung mayroon man,iyon ay sa kalidad ng produkto, mga karagdagan serbisyo at iba pa.
  • hindi nagtutunggalian sa presyo bagkus may sabwatan

Kartel

  • isang pormal na kasunduan sa pagitan ng mga bahay-kalakal na itakda ang mga presyo o dami ng produksyon.
  • ipinagbabawal ng pamahalaan
  • Chiseling- pagkakaroon ng pansariling interes na makapandaya sa mga kasapi ng industriya upang kumita

Monday, January 7, 2008

Sino Ba Kami???

Well, kami lang naman ang mga natatanging estudyante ng Mataas na Paaralang Pedro E. Diaz na naglalayong maisulong at lalong mapaunlad ang bansang PILIPINAS sa pamamagitan ng pagiging mainam na halimbawa sa aming mga kapwa estudyante. Sa tulong ng aming butihing guro nalaman namin ang kahalagahan na ginagampanan ng bawat isa sa atin sa ating lipunan na ginagalawan. Kung paanong ang bawat isa sa atin ay nagpapakilos at nagpapagalaw ng sirkulasyon ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggawa, pagbili at pagkonsumo sa lahat ng serbisyo at produktong makikita sa ating paligid. Kung inaakala ng ilan riyan na ang EKONOMIKS ay isang nakakabagot na leksyon sa paaralan, kami na ang nagsasabi nito NAGKAKAMALI kayo!!!! Isa itong aralin na kung saan lahat tayo ay nakikinabang sa mabuti at masamang epekto nito dahil ang ekonomiks ay hindi kikuilos kung wala tayo. Tayo ang nagpapagalaw nito. Maraming salamat sa inyong pagdalaw sa aming BLOG at nawa patnubayan kayo ng PANGINOON.